Marian Rivera sa Amaya epikserye, magaling!
June 20, 2011Ang ganda ng role ni Marian Rivera sa bago nyang epikserye kung tawagin ng GMA7 - Amaya. sa ganda ng istorya ay halata namang talagang pinaghirapan ng mga writers ang nasabing bagong soap ng Kapuso network. Balita ko nga tinaob nito ang mga kasabayan sa slot na Biggest Loser Pinoy Edition at iba pang ABS-CBN shows kasama na din ang sa TV 5 which means na talagang nagustuhan ng mga manonood ang nasabing bagong serye ni Yan yan.


